35

By

Natagay ang 2-1! Ginebra sinamantala ang pagkawala ni Almazan

Umarangkada ang Barangay Ginebra matapos pataubin ang Meralco Bolts, 92-84, para kuhanin ang 2-1 advantage sa Game 3 ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals, Linggo ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Sa nasabing laro, hindi nagamit ng Bolts si center Raymond Almazan matapos itong mapuruhan nang lumanding sa paa ni LA Tenorio, anim na minuto pa lang ang nakalilipas sa laban.

Sa third quarter ay biglang arangkada ang Ginebra, tinarak ang 23-point lead, 78-55, para umalagwa papasok ng final canto.

Ngunit hindi nagpatinag ang Bolts, inunti-unti ang lamang hanggang sa mapababa ito sa lima sa bisa ng and-one ni Allen Durham, 87-82, papasok ng huling dalawang minuto.

Dito na giniya ni Tenorio ang Gins, nagsalpak ng tres para muling mapataas ang lamang sa walo.

Gumanti naman ng middle jumper si Chris Newsome, ngunit hindi na nagawa pang makalapit matapos na matawagan ng shot clock violation sa next play at ilista ni Japeth Aguilar ang panelyong layup mula sa pasa ni Justin Brownlee.

Sa scoring ay si Brownlee ang nanguna sa Ginebra sa 24 points, tigsiyam sa rebounds at assists, habang 23 markers naman kay Aguilar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?