315
Nash Aguas susundan si Mika dela Cruz sa Kapuso?
By

Nash Aguas susundan si Mika dela Cruz sa Kapuso?

Sa kabila ng magkaibang network ang pinagtratrabahuhan ng mag dyowang sina Mika dela Cruz at Nash Aguas ay hindi ito naging hadlang sa kanilang relasyon.

Imposible sa ngayon na magkasama ang dalawa sa isang teleserye kaya naman hiling ng ilan na magsama na lamang ang dalawa sa pelikula.

Agad namang tinanggihan ng aktres ang ideya.

Saad nito, pareho nilang kagustuhan na hindi muna magsama sa isang proyekto dahil ayaw nilang mabahiran ng kahit konting pagka-showbiz ang kanilang relasyon.

Sapat na aniya na naging magkatrabaho sila noon dahil alam na nila ang pakiramdam.

Sa isang interview ng pep.ph sa aktres tinanong ito kung posible bang sundan siya ni Nash Aguas sa Kapuso network.

Agad itong sumagot na malabo aniya iyong mangyari.

“Malayo, kasi siya okay siya sa ABS,” sagot ni Mika.

Dagdag pa nito, kani-kaniya sila ni Nash pagdating sa trabaho.

“So kanya-kanya, kung saan yung charm mo, saan ka mas maggu-grow. Sa akin dito. Sa kanya, doon. So kung saan yung makakabuti sa inyo, doon ka.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?