287

Apr 2, 2020 @ 20:31
By

#NasanSiBato: ‘Na-stuck ako sa Davao’

Sinagot na ni senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang katanungang #NasanSiBato matapos itong mag-trending sa Twitter.

Sagot ng dating PNP chief, na-stuck ito sa Davao at hindi nakabalik ng Maynila dulot ng Enhanced Community Quarantine na nakasailalim sa buong Luzon.

“Mabuti nakalipad pa ‘ko pauwi dito. Then after that, nagkaroon na ng enhanced community quarantine, so wala na, wala ng byahe,” pahayag ni Bato sa panayam ng CNN.

Nagtungo kasi sa Davao ang senador matapos ang huling senate hearing nila noong Marso 23.

Ayon sa naunang ulat, nasa maayos na kalagayan naman ito at tila ‘strong as bull’ daw ito pagdating sa usaping kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?