223
Nasaan na si Carlo Lastimosa?
By

Nasaan na si Carlo Lastimosa?

Matapos maglaro para sa Kia Picanto, nawala sa sirkulasyon ang dating isa sa mga tirador ng NCAA na si Carlo Lastimosa.

Ngunit para sa mga fan ng dating St. Benilde star, muli na itong makikita sa hardcourt ngunit hindi na lang sa PBA.

Tatawid si Carlo sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), kung saan maglalaro ito para sa Manila Stars sa susunod na season, ayon sa report ng Spin.ph.

Makakasama ni Lastimosa ang ilan pang mahuhusay na manlalaro ng Stars na sina Chris Bitoon at Aris Dionisio, maging ang dating PBA champion na si Ronnie Mattias.

Apat na koponan angh pinaglaruan ni Lastimosa, binitawan ng Columbian Dyip bago magsimula ang season, nagkaroon ng career-best na 21.8 points, 3.82 rebounds at 2.45 assists para sa Blackwater Elite noong 2016 PBA Commissioner’s Cup.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?