2,651

By

Nasaan matatapang? Mga kabataan hinamon ni Robin na sumali sa AFP

Hinamon ni action star Robin Padilla ang mga kabataang mapusok at maaanghang magsalita na iwan ang kanilang computer, smartphone at sumali sa reserve force ng Armed Forces of the Philippines gaya ni Matteo Guidicelli.

“First step on Patriotism Fight your Wars within! Support your Armed Forces against domestic threat. Nasan ang mga matatapang? Yun mga kabataan na mapusok at maanghang magsalita follow the footsteps of sir Gianmatteo Fernan Guidicelli,” sabi sa Instagram post ni Binoe.

Maging ang matatandang katulad niya ay hinamon din ni Robin na ubusin ang natitirang lakas at tapang para magserbisyo sa bayan.

“At sa mga matatandang katulad ko na mga malapit ng maatake at magpaalam sa buhay na ito ubosin niyo na ang natitira ninyong tapang lakas at buhay sa serbisyo sa bayan,” dagdag pa niya.

Aniya, walang mararating ang pagiging matapang sa salita kaya dapat umanong bumangon at sumali sa AFP reserve force.

“Bumangon ka diyan sa upuan mo at iwan ang keyboard ng computer o smartphone join the AFP reserve! Face your fear! Its time to look at our enemies in the eye! Para sa Dios Para sa Bayan Para sa Kapwa Tao!” wika pa ng aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?