318
Narco-list, tsismis lang kung walang ebidensiya – Hilbay
By

Narco-list, tsismis lang kung walang ebidensiya – Hilbay

Panggigipit umano sa mga lokal na politikong tumutuligsa sa mga hindi makataong polisiya ng administrasyon ang pinanghahawakang narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pananaw ni dating Solicitor General Florin Hilbay sa pagsisiwalat ng Pangulo kagabi sa mga pangalan na nasa listahan.

Iginiit din nito na kung may sapat na ebidensiya ay kasuhan na ang nasa listahan dahil kung wala umano ay isa lang tsismis ang narco-list ng Pangulo.

“Malinaw naman na ang gusto ng gobyerno ay makontrol ang mga LGU sa papalapit na eleksyon, upang maipanalo ang mga manok nila na may mga kaso ng pangungurakot, pagnanakaw, at pagsisinungaling sa bayan,” saad ni Hilbay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?