948

By

Narco-list ilalabas ngayong gabi – DILG

Mamayang gabi (Marso 14) umano ilalantad ang listahan ng mga politiko na sangkot sa iligal na droga, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“The narco-list will be released today in the NPOC (National Peace and Order Council) meeting here in Davao,” ani DILG Spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya.

Kung hindi umano si Pangulong Rodrigo Duterte ay si Interior Secretary Eduardo Año ang maghahayag nito dakong alas-sais ng gabi.

Batay sa Philippine Drug Enforcement Agency, nasa 82 na politiko umano ang nasa listahan na kinabibilangan ng mga mayor, vice mayor, congressman at vice congressman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?