73

Jan 19, 2020 @ 13:53
By

Napapasipa pa! Beki aliw mag-Tekken

Wala na sigurong mas liligalig pa sa isang beki na sobrang bigay na bigay sa paglalaro ng Tekken 7.

Muling lumutang ang Facebook video ni Khimboy A Tolentino matapos itong mai-post ng ‘Tekken Emperor’ kung saan makikitang napapalundag at sumisipa pa ang beki na tila sinasabayan ang gamit nitong character na si Lily.

Bukod sa paglunday at pagsipa, sumisigaw-sigaw pa ang nakakaaliw na gamer at hindi alintana kahit maraming nakapaligid sa kanya lalo’t sa mall ito naglalaro.

Mayroon nang 2.6 million views ang nasabing video na pinaskil noong 2018 pa, ngunit hindi pa rin maka-get over ang madla dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?