140

By

Napaka-peke mong tao – Nicko sister bumuwelta kay Kris

Nakisali na rin ang ate ni Nicko Falcis na si Charlene sa pagkanti kay Kris Aquino sa pamamagitan ng magkasunod na Facebook post.

Ang unang post nito ay noong Jan. 27 kung saan pinuna nito na tila magaling na sa sakit niya si Kris.

“Now you seem to be in better health. Nag-Ninang ka sa kasal ng anak ni Fortun. Nag-dedecluttering ng mga gamit mo. Bumati ka sa birthday ng nanay mo saying you are trying to be the best mom that you can be. MAGING MABUTI KA NAMANG TAO,” sabi nito.

Iginiit ni Charlene kay Kris na aminin na umano nito na walang ninakaw ang kapatid niyang si Nicko dahil nagkaso lang naman umano ang aktres dahil hindi nito kayang iniiwan siya.

“Admit the fact that NICKO, MY BROTHER, DID NOT STEAL ANYTHING FROM YOU. YOU FILED BASELESS CASES because you can’t handle people leaving you,” sabi pa nito.

Para patunayan na walang kasalanan ang kapatid niya, nag-post pa si Charlene ng screenshots ng travel expenses ni Kris at team nito sa Hong Kong.

Sa bandang huli ay sinabihan nito si Kris na ihinto ang pagiging spoiled brat at sa edad umanong 48 ay wala pa itong pinagkatandaan.

“STOP YOUR SPOILED ROTTEN BRATTY ATTITUDE. You are turning 48 YO and wala ka pa rin pinagkatandaan. No more bullying, we will end this #Krisis as we continue to reveal the truth,” sabi niya.

Noong January 31 ay muli na naman itong nagmensahe kay Kris.

Aniya, balik showbiz mode ulit si Kris matapos ang lahat, grabe umano itong mag-power tripping at napaka-pekeng tao.

“It pains me to see you in your show biz mode again while my mom suffers everyday thinking about the BASELESS CASES you filed against Nicko. Tawa tawa ka na ulit. Napaka-peke mong tao. Grabe ka mag power tripping, no ounce of integrity to stand up for what is right. You must be living a sad lonely solitary life, with heart full of anger and revenge. If something happens to my mother, I will hold you accountable. Someday, all this pain you are inflicting to me and my family, will come back to you a hundredfold,” sabi nito sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?