511

By

Napagkamalang ‘dilawan’! Gretchen Ho binalaan sa pagsusuot ng yellow

Dahil nga kaya sa pagsusuot nito ng dilaw kaya nadawit ang pangalan ni dating volleybelle Gretchen Ho sa ‘Oust Duterte’ matrix?

Sa Instagram story ni Gretchen kaniyang ibinahagi ang naging payo sa kanya ng kapatid para makaiwas sa kulay politika.

Ayon sa kapatid nitong abogado, umiwas daw ito sa pagsusuot ng dilaw, na kilalang kulay ng mga oposisyon.

“Wag ka kasing magsuot ng dilaw sa UKG (Umagang Kay Ganda)” ayon sa kapatid nito.

“Napagkakamalan ka tuloy,” pabirong sabi ng kapatid ng TV host.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?