37

By

Napagkamalang aswang: CAFGU inutas ng sundalo sa Leyte

Patay ang isang miyembro ng Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA) matapos barilin ng kainuman niyang sundalo noong Enero 13 sa Ormoc City, Leyte.

Kinilala ang biktima na si Jomar Yubal, 24, binata at residente ng Brgy. San Joaquin, Capoocan, Leyte.

Ang suspek naman ay miyembro ng 93rd Infantry Battalion na si SSgt. Aldrin Madrid.

Ayon sa ulat, nag-inuman sina Yubal at Madrid at dalawa pang SCAA member sa Site A Detachment ng 93 IB sa Sitio Mahanagdong, Brgy. Tongonan.

Dahil sa kalasingan, napagkamalan umano ng suspek na aswang ang biktima.

Gamit ang kanyang firearm na Glock, binaril ng suspek si Yubal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?