436

By

Nang-rape sa 200 bata sa Malaysia tinodas sa selda

Naninilbihan sa 22 bilang ng habambuhay na pagkakakulong si Richard Huckle, na nagpanggap na volunteer teacher para manghalay ng 200 mahihirap na batang Malaysian, nang pagsasaksakin at patayin ito sa kulungan.

Sa katunayan, sinakal siya ng guitar string at sinaksakan ng mga ballpen at condom sa lalamunan bago mamatay, ayon sa ulat ng The Sun.

Isang 29-anyos na lalaki ang kinilala ng Humberside Police na pumatay sa naturang baby rapist na kinasuhan sa 91 opensa at nakulong noong Hunyo 2016.

Mayroong “campaign of rape” si Huckle, na isang dating British English teacher at photographer, na ginawa ang pangre-rape noong 2006 hanggang 2014 sa mga batang anim-na-buwang gulang hanggang 12-taong gulang.

Pinangalandakan ng pedophile online ang pang-aabuso niya sa mga kawawang bata, at sinabing mas madaling halayin ang mga batang Asyano kumpara sa mayayamang Western kids.

23 bata mula sa mahihirap na Christian community sa Kuala Lumpur ang kumpirmadong inabuso ng lalaki.

Gumawa pa si Huckle ng 60-pahinang handbook na pinamagatang “Pedophiles & Poverty: Child Lover Guide.” Natagpuan din ng mga awtoridad ang higit 20,000 larawan sa mga hard drive ng pang-aabuso nito sa mga bata.

Natagpuang patay si Huckle noong Oktubre 13, 2019 sa Full Sutton prison sa Yorkshire, England.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?