76

By

Nang-hostage, nanaksak sa Maynila todas sa pulis

Sharing is caring!

Isang 26-anyos na lalaki na nang-hostage ng kanyang mga kaanak sa Barangay 860 sa Pandacan, Maynila ang napuruhan ng pulis at namatay nitong Sabado ng umaga.

Kinilala ng Manila Police District (MPD) ang suspek na si Ranil Christian Baje, 26.

Batay sa inisyal na report, isinuplong ni barangay chairman Rene Janda sa pulisya ang panununog umano ni Baje sa bahay ng kanyang mga kaanak sa Floresca Street dakong alas-10:00 ng umaga (Pebrero 9).

Matapos ay ginawa nitong hostage ang tatlo niyang kapamilya na kinabibilangan ng lolang si Imelda Padilla, 59; tiyuhin na si John Bernard Padilla, 23; at tiyahing si Maria Regina Padilla, 29.

Sinubukang kausapin ni Insp. Genesis Aliling, hepe ng Beata Police Community Precinct, at tauhan nitong si Insp. Francis Guevarra ang suspek pero pinagsasaksak umano ni Baje ang una ng maraming beses.

Umawat pa si Guevarra pero maging siya ay tinamaan ni Baje kaya napilitan umano ang hepe na barilin ang suspek.

Naitakbo pa sa pinakamalapit na ospital si Baje pero idineklarang dead on arrival.

Samantala, maayos na umano ang lagay ng dalawang nasaksak na pulis at nakalabas na sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?