791
ABANTE nancy binay chacha government public
By

Nancy pinitik si Cayetano

Wala mang tinukoy na pangalan, tila nagpatama si Senadora Nancy Binay kay House Speaker Alan Peter Cayetano na aligaga ngayon sa pagpapaliwanag tungkol sa mga ginastos ng bansa sa SEA Games partikular na ang P50 milyong kaldero.

Sa tweet ng senadora ngayong Nob. 21, sinabi niyang: “Kailan ba naging tama ang mali? At paano naging tuwid ang inulit na pagkakamali?”

Caption niya ito sa shinare niyang poster na may nakasulat namang mga katagang: “Huwag mong ipilit na maging tama ang isang mali sa pagpuna ng dating pagkakamali.”

Magugunitang nitong Huwebes din nang buweltahan ni Cayetano si dating Pangulong Noynoy Aquino at ungkatin ang ginastos ng administrasyon nito na P10 bilyon sa ginanap na 2015 APEC sa bansa.

Ito’y matapos punahin ng dating Pangulo ang nakalululang halaga ng SEAG cauldron.

Gumastos ang Aquino admin ng P10 bilyon sa APEC kung saan 21 na bansa ang dumalo at 7,000 ang delegado habang P6 bilyon naman ang pondo sa 2019 SEA Games kung saan 11 na bansa naman ang kalahok.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?