142
nancy-binay
By

Nancy Binay kumpiyansang hindi na mababaklas sa Magic 12

Tiwala si reelectionist Sen. Nancy Binay na selyado na niya ang huling upuan sa tinatawag na Magic 12 kahit hindi pa tapos ang bilangan ng mga boto.

Nasa ika-12 at huling spot sa winning roster si Binay, batay sa partial at unofficial tally ng Comelec.

As of 4:06 PM (May 16), mayroon na siyang 14,373,317 votes kumpara sa pang-13 na si Senador JV Ejercito na may 14,142,891 votes.

“I opted not to talk kasi ayoko maging presumptuous na baka hindi pa sigurado na sa akin ‘yung 12th spot but I think today I can claim it,” ani Binay.

“Parang stable na ako sa number 12…Hindi na ako worried,” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, ayaw umano niya itong ipagdiwang at ipagsigawan dahil ang ibang kaibigan at kasama niya ay hindi na makakabalik.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?