250

By

Nancy Binay binaliktad ang pahayag ni Enrile: Nakulong ang tatay ko

Inalala ni Senadora Nancy Binay ang sinapit ng kanilang pamilya sa kasagsagan ng Martial Law noong panahon dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Binay, ang kanyang ama na si ex-Vice President Jejomar Binay Sr. ay nakulong din sa kasagsagan ng Batas Militar.

“Nakulong din ‘yung daddy ko. Kaya nga habang pinagbubuntis ako, dinadalaw ng mommy ko ang daddy ko sa kulungan, kaya nga sabi ko nasa tiyan pa lang ako naiistress na ako,” pahayag ni Binay sa media.

Natatandaan pa niya umano na ang kanilang naging ‘gimik’ dati ay ang mag-rally bilang pagprotesta sa diktaturyang Marcos.

“Lumaki kami na ang gimik namin, tandang tanda ko pa, pag weekend nagrarally kami, naglalakad kami simula Buendia hanggang Liwasang Bonifacio,” sambit ng senadora.

Kaya nang matanong kung nao-offend ba siya sa mga nagsasabing walang naipakulong noong martial law, ito ang tinuran niya.

“May struggle talaga na nagaganap. Siguro iba lang yung kinalalagyan ni Sen Enrile noon at iba yung kinalalagyan namin,” paliwanag ni Binay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?