226

By

Nanay ni Boy Abunda pumanaw na

Yumao ang ina ni veteran host and TV personality Boy Abunda noong Linggo, Disyembre 1.

Inanunsyo sa Facebook ni Easter Samar Congresswoman Maria Fe Abunda ang malungkot na balita nitong Lunes tungkol sa pagpanaw ni Licerna “Lesing” Romerica Abunda sa edad na 90.

Ayon sa congresswoman, magkakaroon ng series of mass scheduled simula nitong Dec. 2 sa Arlington Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.

Si Romerica ay isang guro at naging three-term councilor ng Borongan sa Eastern Samar mula 1995 hanggang 2004.

Taong 2004 nang maging vice mayor naman siya sa nabanggit lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?