13

Mar 25, 2020 @ 14:54

Nanay ni Anthony-Towns, coma dahil sa COVID-19

Emosyonal na humarap sa camera si Minnesota Timberwolves star Karl Anthony-Towns para magbigay ng mensahe na dapat seryosohin ng publiko ang coronavirus.

Ito’y matapos niyang ibunyag na ang kanyang ina na si Jacqueline Cruz, ay naka-coma ngayon matapos mahawaan ng COVID-19.

Ayon kay Towns, noong nakaraang linggo pa hindi maganda ang pakiramdam ng kanyang magulang kaya naman inabisuhan niya ang mga ito na magpa-test sa coronavirus.

Dito na nalaman na nagkaroon nga pareho ang kanyang mga magulang ng COVID-19, at nanatili sa ospital ang kanyang ina habang ang kanyang tatay ay na-discharge na at nag-quarantine sa kanilang tahanan.

Naka-ventilator ang kanyang ina dahil hirap na sa paghinga, at nilagay sa coma.

“I’m keeping the strength up for everybody in my family,” saad nito. “So I made this video so people can understand the severity of this disease is real. This disease needs to not be taken lightly. Please protect your families, your loved ones, your friends, yourself. Practice social distancing. Please don’t be in places with a lot of people. This disease is deadly.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?