30

Mar 24, 2020 @ 16:45
By

Nanay ng ex-PBA coach, negatibo sa COVID-19

Nabunutan ng tinik ang multi-titled PBA coach na si Jong Uichico matapos na makuha ang resulta ng COVID-19 test ng kanyang ina.

Sa tweet ni Uichico, na nakasungkit ng siyam na kampeonato sa PBA ng mag-coach sa Ginebra at San Miguel, negatibo ang kanyang nanay sa coronavirus.

“Thank you to everyone for your thoughts and prayers. CoViD test results have come out negative. We hope to see her soon, as she has been alone since Last week,” sey ni Uichico.


Nag-alala si Jong sa kalagayan ng kanyang ina matapos na naging person under investigation noong March 11 dahil na rin sa dating kondisyon nito na na-stroke, at edad-92 na rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?