310
Nanapak na kongresista, pwedeng masibak sa pwesto
By

Nanapak na kongresista, pwedeng masibak sa pwesto

Nag-iimbestiga na ang nanalong party-list na Ang Probinsyano kaugnay sa pananapak ng kanilang first nominee na si Alfred Delos Santos sa isang waiter sa isang restaurant sa Legazpi City, Albay.

Ayon sa spokesman ng grupo na si Joco Sabio, sakaling mapatunayan na walang ginawang mali ang waiter at bigla na lang nangbanat si Delos Santos ay paparusahan nila ito.

“Definitely we will not tolerate any kind of abuse in our party. We will not hesitate to suspend or even remove Congressman Delos Santos if we establish that this was an unprovoked attack,” ayon kay Sabio.

Ayon kay Sabio, hiwalay ang kanilang party-list kay Delos Santos at hindi dapat maapektuhan sa ginawa ng kanilang representative ang buong grupo.

“He is not the entire representation of the Ang Probinsyano Partylist. His actions and his decisions are his own and should not reflect on Ang Probinsyano as a party and as an organization,” giit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?