209

By

Namaga ang mata! Sharon nadale ng abo

Nagpayo si Senador Kiko Pangilinan sa publiko na huwag na munang lumabas ng bahay matapos madale ng ashfall ang kanyang misis na si Sharon Cuneta.

Sa kanyang tweet nitong January 13, sinabi ng senador na napuwing ng abo kagabi ang Megastar.

Namaga ang mga mata ni Sharon at kinailangan na lagyan ng gamot para maibsan ang hapdi.

Sa ngayon ay mabuti na raw ang pakiramdam ng kanyang asawa.

“Mag-ingat ang lahat. Kung maaari huwag na muna lumabas. Sabi ng doctor sa ER kagabi, si Mrs. maaaring napuwing dito sa Makati kagabi dahil sa ashfall .Mahapdi at namaga at kinailangan hugasan ang mata at lagyan ng gamot bago humupa ang hapdi. Mas mabuti na ang pakiramdam niya ngayon,” ani Senador Pangilinan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?