319

Feb 17, 2020 @ 19:29
By

Naligo sa lababo: Service crew sibak sa trabaho!

Tinanggal sa trabaho ang isang empleyado matapos niyang gawing bathtub ang lababo ng isang fast food chain.

Sabi sa TMZ report, inalis din ang mga co-worker ng lalaki sa Wendy’s sa Greenville, South Carolina na siyang nag-post ng video sa TikTok at nai-share sa Facebook.

Sa naturang video, makikita ang pagtatawanan ng mga service crew habang kinukunan ang relax na relax na lalaki sa lababo na puno ng bula at naghilod-hilod pa ng sponge.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?