76
Nakulangan! Inamyendahang batas para sa coco farmers ibinalik ni Duterte
By

Nakulangan! Inamyendahang batas para sa coco farmers ibinalik ni Duterte

Isinauli ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang enrolled bill na nag-amyenda sa Presidential Decree No. 1468 o ang Revised Coconut Industry Code.

Sa kanyang sulat kay Senate President Vicente Sotto III, sinabi ng Pangulo na nakukulangan siya at hindi kuntento sa inamyendahang batas dahil wala itong mahahalagang hakbang para hindi na maulit ang mga pagkakamali sa mga nakalipas na panahon.

Sinabi pa ng Pangulo na kulang ang kapangyarihang ibinigay sa Philippine Coconut Authority (PCA) sa ilalim ng inamyendahang batas para maiwasan ang pang-aabuso.

“I am certain that neither Congress nor the Executive can bear to see the coconut farmers being exposed to injury by the very legislation that was intended for their benefit and protection, especially if such injury could have been prevented by the institution of necessary safeguards,” anang Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na ilang probisyon ng enrolled bill ay hindi sumasalamin sa tunay na layunin para mapabilis ang paggamit sa coco levy assets at pondong dapat mapakinabangan ng mga magsasaka ng niyog at sa industriya.

“The provisions of the bill do not reflect our ultimate goal of accelerating the full utilization of coco levy assets and funds for the benefit of our marginalized coconut farmers and the coconut industry,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang sulat ng Pangulo kay Sotto ay may petsang February 8, 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?