65

By

Nakamamatay ang inggit! AiAi binira ang basher

Pumalag si AiAI delas Alas sa isang netizen na hindi natuwa sa kanyang Instagram post na pinagmamalaki ang asawang si Gerald Sibayan.


Natuwa kasi ang komedyante kay Gerald, na nag-iwan ng note na “Ito na po ang breakfast mo darling. I LOVE YOU SO MUCH. GOOD HUSBAND, DARL.”

Caption ni AiAi sa Enero 28 IG post: “Good morning — thank you LORD sa blessing na ito .. 😀 #geraldgoodhusband”

Inulan ng puso ang post ng komedyante, ngunit isang comment ang nakakuha ng pansin nito: “Why need to post this? You could try to leave something private in your lives to yourselves”

Agad tumugon ang mag-asawang AiAi at Gerald kay netizen @brie5858

“ang inggit nakamamatay yan magbago ka na!!!!.. ig ko to at kahit anong i post ko wala KANG PAKIALAM,” bulalas ni AiAi.

“maglagay ka muna ng picture at magtrabaho ka para makatulong ka sa bayan hindi yung bash k ng bash !!!!!!kaya hindi ka umuulad kasi yan ang gawain mo,” giit pa niya.

Maikling tugon naman ni Sibayan: “wag maiingit okay”

Maraming nambabatikos sa relasyon nina AiAi, 55, at Gerald, 25, na nagpakasal noong Disyembre 2017.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?