1,196

By

Nakakalungkot, nakakagalit! Atom Araullo nagsalita sa eskandalo sa Pisay

Hindi nakapagpigil si Atom Araullo na iparating ang kanyang pagkontra sa pagpayag ng mga Board of Trustees na maka-graduate ang anim na estudyanteng sangkot sa pagpapakalat ng nude pic ng mga babaeng mag-aaral ng Philippine Science High School.

Ayon kay Atom, hindi niya lubos maisip na kasamang maglalakad ng mga biktima ang mga nagkalat ng kanilang larawan.

“Bilang alumnus, nakalulungkot at nakagagalit. Standing in solidarity with the victims,” saad ng journalist.
Hiling niya ay gumaling agad ang mga biktima sa trauma na inabot dahil sa nangyaring insidente.
“I hope they heal quickly and completely from this terrible episode,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?