56
Angara: Para magkaroon ng world-class athletes, batang may potensiyal sanayin na
By

Nakakalimutan na! Angara nais ng dokumentaryo sa mga war hero

Hinikayat ni Senador Sonny Angara ang mga opisyal ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na gumawa ng mga dokumentaryo tungkol sa ‘historical’ at ‘modern day’ heroes ng bansa.

Ayon kay Angara, malaki aniya ang maitutulong nito para mamulat ang mga kabataan sa sakripisyo ng mga ito sa bayan.

“Video is a very potent and effective medium. Unti-unti na nakakalimutan ang mga nagawa ng ating mga ninuno para sa ating bayan,” pahayag ni Angara, chair ng Senate finance committee.

“Karamihan sa mga kabataan natin ay wala nang alam tungkol sa mga sakripisyo nila. I believe that video is a very potent and effective medium to reintroduce their heroic deeds to our children,” dagdag nito.

Ang mga dokumentaryong ito ay puwedeng ipalabas tuwing holiday tulad ng Araw ng Kagitingan at iba pang mga okasyon.

Hinalimbawa nito ang Estados Unidos na sobrang epektibo sa kanilang advertising campaign sa kanilang militar kaya naman ang mga sibilyan ay nahihikayat na pumasok sa iba’t ibang sangay ng kanilang militar.

Maging ang Hollywood aniya ay tumutulong sa paggawa ng makabuluhang mga pelikula tungkol sa kabayanihan ang kanilang mga sundalo.

“We don’t show the heroic exploits of our armed personnel. When we come out with documentaries, these will be played over and over again,” ani Angara.

“Once you make that movie, you put it online, you put it on Netflix and it’s there forever,” dagdag nito.

Marami naman aniyang makukuhang material sa paggawa ng dokumentaryo mula sa bayani ng World War II gayundin sa Marawi siege.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?