209

By

Nakaimbento ng barcode pumanaw na

Yumao na ang co-inventor ng barcode, na malaki ang naitulong sa retail world noong 1970s hanggang sa kasalukuyan.

Inilibing ang American engineer na si George J. Laurer sa edad na 94 noong Disyembre 9 sa kanyang hometown na Wendell, North Carolina.

Dating empleyado ng IBM si Laurer. Nakilala siya bilang co-inventor ng Universal Product Code o barcode na siyang ini-scan sa maraming produkto at serbisyo para sa identification at pricing.

Tinuturing naman ang kapwa IBM employee niyang si Norman Woodland na siyang pioneer ng barcode idea, na unang ibinase sa Morse code. Pumanaw si Woodland noong 2012.

Inilunsad ng IBM ang barcode noong 1973 kung saan ang unang barcode transaction ay nangyari noong 1974 sa isang supermarket sa Troy, Ohio.

Una namang produkto na na-scan ang pakete ng Juicy Fruit chewing gum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?