25

By

Nakababatang kapatid ni Imelda Papin, susubok sa pagka-QC councilor

Tatangkain ni Aileen Arcilla Papin, kapatid ng sikat na singer na si Imelda Papin ang pumasok sa politika bilang councilor sa fifth district ng Quezon City sa parating na local elections.

Si Aileen Papin ay isang occupational therapist, ngunit bukod pa rito ay kasalukuyang presidente rin ng Rotary Club District 3810 at miyembro ng Rotary Club ng QC District 3780.

Ilan sa plataporma ni Papin ay ang magkaroon ng programa para sa edukasyon, kalusugan, pabahay, youth and women empowerment at para sa kalikasan.

Siya ay tatakbo sa ilalim ng partido ng PDP-Laban katiket si Quezon City mayoralty candidate Vincent “Bingbong” Crisologo.

Babanggain ni Crisologo si Vice Mayor Joy Belmonte, anak ng dating House Speaker at naging mayor na rin ng lungsod na si Sonny Belmonte.

Maliban kay Papin, tatakbo rin bilang councilor sina television-radio broadcaster Gani Oro, Abi Osorio Millar, Retchel Go, Manuel Pintado III, at Polly Yllana, kapatid ng outgoing Councilor Anjo Yllana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?