49
manny-pacquiao-floyd-mayweather
By

Naka-move on na! Pacquiao ayaw na sa Mayweather rematch

Tanggap na ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao na hindi na malabo nang matuloy ang pangarap ng mga boxing fan na rematch niya kay Floyd ‘Money’ Mayweather Jr.

Sa report ng World Boxing News, hindi na target na makalaban ni Pacquiao si Mayweather dahil nagretiro na ito sa boksing at manatili na lang daw na retired.

“Floyd is retired. If he can no longer fight at the elite level I am fighting at, he should stay retired,” ayon sa eight-division world championship.

Matatandaan na nagkita dati sina Pacquiao at Mayweather sa Japan noong nakaraang taon, lumaban si Floyd sa isang Japanese kickboxer para sa exhibition match samantalang ang si Pac-Man naman ay nagpatuloy pa rin sa larangan ng sapakan.

“I am only looking at active fighters. Floyd is not active anymore,” aniya pa.

Saad pa ng fighting senator, hindi niya na muna iintindihin si Mayweather at hayaang ang Amerikano ang sumagot kung gusto pa nito ng rematch.

Mas pagtutuunan muna niya ng pansin ang kanilang salpukan ni Keith Thurman sa July 21 (Manila time) sa MGM Grand Arena, Las Vegas.

“Right now, I can only see this fight and I already wish it was July 20. Keith Thurman is going to be surprised by what he sees from me in the ring in Las Vegas,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?