78

Mar 7, 2020 @ 17:58
By

Naispatang COVID-19 infected, kinumpirma ng St. Luke’s Global City

Kinumpirma ng St. Luke’s Medical Center Global City na unang dinala ang isang nagpositibo sa coronavirus (COVID-19) sa kanilang ospital.

Giit nito, sa isolated room dinala ang pasyente at nailipat na rin aniya ito sa Research Institute for Tropical Medicine sa tulong ng Department of Health.

Sa statement na inilabas nitong Sabado, sinabi ng St. Luke’s Global City na na-screen nila ang pasyente na inilagay sa isolation room sa labas ng kanilang emergency wing.

“St. Luke’s Medical Center Global City was able to identify, isolate, and screen a patient at the isolation room located outside the emergency wing that turned out to be positive for COVID-19,” saad nito sa kanilang Facebook post.

Limitado lang umano ang exposure ng pasyente sa iba pang nasa ospital dahil hindi ito nakapasok sa main hospital premises.

“Fortunately, the patient was identified right away and exposure was limited as he did not enter the main hospital premises and main emergency room,” dagdag pa nito.

“The hospital has always been equipped to handle and contain such cases. We have taken all necessary measures to ensure the safety and care of all our patients and healthcare workers following a protocol set by our infectious disease specialists,” pahayag pa nito.

Ang naturang pasyente ay ang ikaapat na kaso ng coronavirus sa bansa.

Isa itong 48-anyos na lalaki na empleyado ng Deloitte at may travel history sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?