74

By

NAIA lady guard huli sa baril sa MRT

Sabit ang isang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) lady guard matapos mahulihan ng baril sa bag bago sumakay ng tren sa Metro Railway Transit Line 3 (MRT-3) sa Taft Avenue station.

Inaresto at dinala sa Pasay City Police si Emelyn Zapra, 28-anyos, nakatalaga sa NAIA Terminal 3 matapos makita sa x-ray machine ang dalang .9mm na baril bandang alas-7:45 Biyernes ng umaga.

Hinanapan ng permit to carry firearms ang suspek subalit wala itong maipakitang dokumento ng exemption sa Comelec gun ban.

Nabatid na hindi lisensyado ang dalang baril kasama ang walong bala na nakasilid sa loob ng bag ng sekyu.

Kasalukuyang nakadetine ang sekyu sa Pasay detention cell at posibleng maharap sa kasong illegal possession of firearm at paglabag sa Comelec gun ban kung walang mailabas na exemption mula sa kanyang opisina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?