272

By

Nagtaas ng presyo ng face mask, demonyo – Vice Ganda

Tinawag na demonyo ni Vice Ganda ang mga hoarder na ninenegosyo ang mga face mask, lalo na ‘yung mga nagpatong ng triple sa original price nito.

Galit na galit na nag-tweet si Vice ng kanyang saloobin sa itinuturing niyang hindi makataong pagsasamantala sa pagputok ng Taal Volcano.

“Napakasama nung mga nagtaas ng presyo ng face masks sa kasagsagan ng ashfall. Nauunawaan ko naman ang Law of Demand and Supply sa Economics nung naga-aral ako. Pero yung ia-apply mo to sa gitna ng kalamidad e sobrang Demonyo!”


Hindi lang si Vice ang nagpahayag ng kanyang galit at pagkadismaya sa pananamantala ng ilang mga Pilipino sa sitwasyon, maging si Alwyn Uytingco ay nanawagan din.

“Nanawagan ako sa lahat ng supplier, seller sa buong Metro Manila at South Metro. UTANG NA LOOB tigilan niyo ang pagtataas ng presyo ng kahit na anong uri ng protective masks! Huwag niyo hayaan mamatay mga tao dahil sa kasakiman nyo!!” sabi ni Alwyn.

Ang mag-asawang Jennica Garcia at Alwyn ay ilan lang sa mga celebrity na mabilis na umaksyon para mangalap ng mga donasyon upang maipambili ng mga goods at supplies para sa mga naapektuhan ng kalamidad sa Batangas, Cavite at iba pang karatig lugar.

Samantala, iniyakan din ni Vice ang napanood niyang video na nagbabalita sa pagkamatay ng mga kabayo sa Taal.

“Horses died in Taal. Walang halong joke sobra akong nalungkot. Di ko natapos yung video naiiyak ako.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?