73

By

Nagsasawa na! Echo ayaw na sa teleserye

Mukhang magiging huli na ang ‘Halik’ bilang soap opera na gaganap si Jericho Rosales.

Sa mediacon para sa finale ng ‘Halik’, sinabi ng Kapamilya actor na mayroon umanong feeling sa kanya kaya’t kinukunsidera ang pag-ayaw na sa teleserye.

Saad niya, tila nagsasawa na siya sa paggawa ng mga TV series, iba na umano ang nararamdaman kumpara noong 17-anyos pa siya na naiiyak pa sa mga sarili niyang linya.

“I don’t wanna do soaps anymore, and it is not a problem for me,” saad ni Echo, na ngayon ay nakilala bilang Lino sa Halik.

Gayunpaman, nilinaw ni Jericho na hindi niya tuluyang iiwanan ang telebisyon, balak pa ring gumawa ng projects ngunit hindi na sa drama serye.

“Do I want to stop TV? No. It’s time for me to challenge myself to create something new for myself. Hopefully, it works.”

Trip umano ng talented actor na sumabak sa mga digital content, at nagpatikim din na posibleng pumasok sa pagdidirek, produce at ilan pang behind the limelight opportunity.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?