51

By

Nagsasanay na parak todas sa ratrat

Patay ang isang nagsasanay na pulis matapos ng hindi nakilalang gunman habang papunta sa headquarters sa Calamba City, Laguna, Linggo ng gabi.

Kinilala ang biktima na si PLT Ramil Gonzales.

Ayon sa Calabarzon police, nagsasanay ito sa Officer Basic Course (OBC) sa National Police Training Institute (NPTI) sa Camp Vicente Lim, Calamba City.

Batay sa imbestigasyon, nakasakay ito sa kanyang motorsiklo at patungo sa kampo bandang alas-8:00 ng gabi nang bigla itong harangan at barilin ng suspek sa harap ng isang past food store sa Barangay Mayapa.

Sinugod ang pulis sa Global Care Hospital subalit nalagutan din ito ng hininga habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Calamba City police at inaalam pa kung ano ang motibo at kung sino ang salarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?