20
arrested
By

Nagpanggap na US Marine, huli sa Pasay

Naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang dayuhan na nagpakilalang United States Marine officer at gumamit ng hindi niya pag-aaring passport.

Pinosasan sa isang coffee shop sa Macapagal Avenue sa Pasay City noong Hulyo 9 si Justine Barlee, may mga alyas na Jerry Rockstone at Jerry Brown.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang NBI na nagpapanggap na US Marine officer ang isang Jerry Brown.

Naghahanap umano ito ng financier para makuha niya ang pera na nakadeposito sa logistics company na may demurrage fee na US$150,000.

Sa ginawang pagsisiyasat sa US Embassy sa Manila, lumabas na pag-aari ng ibang tao ang hawak na pasaporte ng suspek, na nai-report na nawawala noon pang 2013.

Nadiskubre ring hindi miyembro ng US Armed Forces Marine Corps. si Barlee.

Mahaharap siya sa reklamong usurpation of authority at paggamit ng fictitious name and concealing true name, na kapwa nasa ilalim ng Revised Penal Code.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?