207

Nagpabaya! Cimatu dinemanda sa paghintulot sa ‘iligal’ na plantasyon

Sinampahan ng kasong neglect of duty si Environment Secretary Roy Cimatu ng isang indigenous people’s group dahil hindi nito hinarangan ang diumano’y iligal na operasyon ng coffee plantation sa isang ancestral land.

Ayon sa complaint na inihain ng T’boli-Manobo S’daf Claimants Organization (TAMASCO) sa Quezon City Regional Trial Court, nilabag ni Cimatu ang Indigenous People’s Rights Act na nagsasabing dapat hingin ng kompanya ang pagpayag ng komunidad sa anumang aktibidad na gagawin sa ancestral domain ng huli.

Sa pamamagitan ng goverment-authorized na Integrated Forest Management Agreement (IFMA), nanghimasok umano ang Dawang Coffee Plantation sa mga lupain ng TAMASCO sa South Cotabato at Sultan Kudarat, ayon sa legal counsel ng grupo na Legal Rights and Natural Resources Center.

Dagdag ng mga abugado, nag-expire na ang IFMA document noong 2016 at ni-renew ng Department of Environment and Natural Resources kahit walang free, prior, and informed consent ng mga katutubo.

“We urge DENR Secretary Roy Cimatu to perform his legal government obligation and cancel the agreement that allows M&S Company to operate in our ancestral domain. For indigenous people, land is life. For 28 years, we have not been able to farm and make a living because of the plantation. This is unfair, unjust, and undemocratic,” saad ni TAMASCO chairman Datu Dande Danyan sa isang pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?