399

By

Nagmamarunong! Duterte minura ang mga Obispo

Muli nanamang pinatamaan ni Pangulong Duterte sa kaniyang speech ang mga Katoliko.

Saad ni Duterte sa kaniyang speech sa Puerto Princesa noong Sabado na nagmamarunong umano ang mga obispo ng Simbahang Katoliko.

Nagbigay rin siya ng warning para sa iba pang lider na ginagamit ang relihiyon sa pagkritiko sa kaniya.

“Kaya itong mga Obispo itong mga put*ngin*ng ‘to, akala mo mga aral. Mas marunong pa,” saad ng pangulo.

Ang bulalas na ito ni Duterte ay matapos buweltahan ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang pagbatikos ni Duterte sa pag-obserba ng simbahang katoliko sa All Saints Day.

Buwelta ni David, humihingi siya ng panalangin sa taong bayan dahil ang bansa natin ay pinamumunuan umano ng “very sick man”.

Ito ang tinitingnang dahilan kung bakit muli nanamang nadawit ang Katoliko sa talumpati ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?