105
Nagbunga ang training: Kai Sotto may team na sa USA!
By

Nagbunga ang training: Kai Sotto may team na sa USA!

Sasalang na ang 7-foot-2 prodigy na si Kai Sotto sa tunay na laban matapos magbunga ang kanyang pag-eensayo sa America.

Sa kanyang Youtube channel, kinumpirma ni Sotto na maglalaro siya para sa The Skill Factory sa USA ng isang season.

Bukod pa rito, kanya ring siniguro na hindi niya iiwan ang national team ng ‘Pinas.

Ang The Skill Factory ay isang organisasyon para sa mga batang basketball player sa America, at inaasahang sasalang sa iba’t ibang torneo sa nasabing bansa.

Sa video, makikita rin ang mga highlights ng 17-year old budding Pinoy star kasama ang kanyang bagong koponan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?