239

By

‘Nagbenta’ ng drug paraphernalia: Lazada handang paimbestiga sa PDEA

Makikipagtulungan umano ang Lazada sa mga imbestigador kaugnay ng pagbebenta umano ng drug paraphernalia sa kanilang online shopping site.

Sa inilabas na statement ng Lazada, batid nilang iniimbestigahan na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y bentahan ng drug paraphernalia sa kanilang online shopping platforms at handa silang makipagtulungan dito.

“(We are) aware that the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) is investigating alleged sales of drug paraphernalia on online shopping platform. (We) will cooperate with any investigation, once we have been approached by authorities,” saad sa statement ng Lazada.

Magugunitang pinagpapaliwanag ng PDEA ang Lazada matapos aminin ng dalawang nahuling drug suspect sa isang hotel sa Pasig noong Lunes na nabili nila ang gamit nilang “tooter” sa online site.

Nakumpiska kina Juan Carlos Antonio at Nilo Manipon Ramirez ang mahigit P500,000 halaga ng liquid ecstasy, marijuana kush, ‘fly high’ capsules at iba pang drug paraphernalia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?