56

By

Nagbebenta ng nakaw na cellphone, arestado sa Tutuban

Inaresto ng pamunuan ng Tutuban Mall sa Maynila ang isang 23-anyos na babae matapos siyang mahuling nagbebenta ng mga cellphone na “galing sa magnanakaw”.

Sa Facebook post ng Manila Public Information Office, inilipat umano ng Tutuban Mall sa kustodiya ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT) si Rebecca Cruz Mahayag.

Iprinisenta ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang suspek sa media nitong Miyerkoles.

Kinilala si Mahayag bilang vendor ng mga nakaw na cellphone.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree Blg. 1612 o Anti-Fencing Law si Mahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?