274

By

Nagbantang kakasuhan! UP Visayas cheering group bumanat kay Duterte

Trending ang isang grupo mula University of the Philippines Visayas (UPV) dahil sa naging performance na hitik sa patama sa mga isyu tungkol sa UP maging sa administrasyon.

Ang Skimmers group ay binubuo ng mga estudyante mula sa communication at media studies, na nagpamalas ng kanilang galing sa kakaibang cheering performance.

Nagbihis reporter ang mga lumahok, na unang pinatamaan ang mga isyu ng UP simula sa budget cut, ang One UP system na hindi umano dama ng mga taga-UP Visayas.

Kasama pa sa mga nireklamo sa nasabing cheering performance ay ang mga manyak na faculty member sa ilang eskuwelahan, at ang pagsuporta sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality at divorce bill.

Hindi rin nakaligtas ang pagpapakalat ng military force at mga pulis sa mga unibersidad na hitik umano sa mga aktibista kontra sa gobyerno.

Na-highlight din ang patama kay Senadora Cynthia Villar dahil sa Rice Tariffication law nito, at Senador Bato dela Rosa naman dahil sa nais na gawing mandatory ang ROTC.

Isa pa ay ang naging banat kay Pangulong Rodrigo Duterte, na ginaya ang madalas nitong mga biro sa pagpatay sa kanyang mga talumpati.

“Let’s kill the President. Charot!” isa sa linya sa performance.

Naging kontrobersyal ito, ilang mga tagasuporta ng Pangulo ang nanakot na kakasuhan ng grave threat ang mga estudyante dahil sa nasabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?