65
Masaya umano si reelectionist Senator Grace Poe sa ginagawa niyang paglilibot sa iba’t ibang panig ng Luzon, Visayas at Mindanao.
By

Nagawa sa Senado, amang si FPJ bentahe ni Poe sa ibang kandidato

Masaya umano si reelectionist Senator Grace Poe sa ginagawa niyang paglilibot sa iba’t ibang panig ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Aniya, kahit nakakapagod ang paglilibot niya sa nakalipas na walang linggong campaign period, masaya siyang makita ang mga tao at makinig sa mga hinaing ng mga ito.

Dagdag pa niya, kailangan niyang kumayod dahil napakalaki ng Pilipinas para abutin lahat at maraming kandidato umano ang nagsisipag.

Samantala, tingin ng senatorial bet kaya siya nangunguna sa iba pang kandidato ay dahil sa nagawa niya sa Senado at sa alaala ng kanyang ama na si Fernando Poe Jr., lalo na umano sa mga probinsya na masyadong sentimental ang mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?