34

Mar 30, 2020 @ 23:41
By

Naga mayor sa DOH: Maging transparent, ilabas agad ang impormasyon!

Nasorpresa ang lokal na pamahalaan ng Naga City, Bicol nang matanggap ang impormasyon na mayroong positibong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lungsod batay sa kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) nitong Lunes.

Isang araw bago ito, binalita ng city epidemiology and surveillance unit na lahat ng 11 person under investigation ay nagnegatibo sa COVID-19.

Kaya nabigla umano sila nang makipagugnayan ang DOH at sinabing mayroong positibong kaso sa kanilang lugar. Direkta umano kasing nagpakonsulta ang pasyente sa Bicol Medical Center (BMC) at hindi inulat sa city health office (CHO) dahil sa physician-patient privilege ng ospital.

Dahil dito, hinihiling ng alkalde sa DOH na maging transparent at agad na ibahagi sa kanilang opisina, tulad ng kanilang ginagawa sa departamento, para sa mabilis at akmang solusyon laban sa virus.

Hindi na umano babanggitin pa ang pagkakakilanlan ng pasyente pero makaasa umano na sisiguruhin ng CHO na gagawa ng hakbang para mabigyang impormasyon ang mga nakasalumuha ng pasyente.

Ito na ang ikalimang kaso ng COVID-19 patient sa Bicol. Marso 5 nang dumating ito sa rehiyon, anim na araw matapos dumating galing Dubai.

Narito ang pahayag ng alkalde:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?