28

May 21, 2020 @ 18:03
By

Nag-shoutout pa sa Manila! LeBron pinasilip ang bagong ‘Agimat’

May bagong pag-iipunan ang mga sneakerhead at LeBron James fan.

Sa Instagram story ng four-time NBA MVP, pinasilip nito ang bagong dagdag sa ‘Agimat’ shoe collection.

Makikita sa kanyang video ang all-red sneaker na tinatawag na Nike LeBron 17 low, ang ikaapat sa ‘Agimat’ collection at ikalawang collaboration kasama ang Titan.

Sa story din ni LeBron ay special mention pa ang Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?