1,022

By

Nadine nag-react na sa break-up kay James

Pinatigil na umano ni Nadine Lustre ang mga alegasyon ng publiko hinggil sa rason ng paghihiwalay nila ni James Reid.

Sa screenshots ng mga netizen, makikita ang umano’y comment ng aktres sa Instagram post ni @pillowtalk1957a tungkol sa interpretasyon ng post ni Nadine na white horse na iniuugnay sa break-up nito kay James.

“Can u all please please stop. You’re blowing things out of proportion. These assumptions need to STOP,” ang umano’y comment ni Nadine.

Samantala, burado na umano ang nasabing IG post. Duda naman ng ibang netizen, edited ang comment ng aktres.

Nang ilabas nitong Lunes ng gabi, Enero 20, sa “Tonight with Boy Abunda” ang joint statement, sinabi nina Nadine at James na kaya sila naghiwalay ay upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga career at personal growth gayong bata pa sila.

Gayunman, mas pinaniwalaan ng maraming netizen ang viral video ng umano’y pangangaliwa ni James–kasama umano si model-artist Issa Pressman–sa Digistar PH party sa Aqua Boracay sa Aklan noong Disyembre 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?