146

By

Nadine Lustre may bagong leading man

Magbabalik telebisyon si Nadine Lustre minus James Reid.

Makakatambal ni Nadine ang award-winning Thai actor na si Denkhun Ngamnet sa bagong proyekto na “Burado” sa ABS-CBN.

Kasama rin sa “Burado” sina Julia Montes, Paulo Avelino at Zanjoe Marudo.

Binahagi ng Dreamscape Entertainment ang ilang litrato ng ginanap na pagkikita ng lead stars ng show.

Kukunan ito sa iba’t ibang bansa gaya ng Thailand, Cambodia, India at Pilipinas.

Samantala, hindi pa inaanunsyo kung kailan ito ipapalabas.

“The cast of #Burado (Erased), the newest teleserye of ABS-CBN, to be shot in the Philippines, Thailand, Cambodia & India,” caption sa post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?