305

Nadine, James nagli-live in na!

Ibinunyag ni James Reid na nagsasama na sila sa iisang bahay ng kanyang reel and real life partner na si Nadine Lustre.

Sa kanilang TV guesting sa Gandang Gabi Vice, sinabi ni James na ito na marahil ang kanyang pinakamatagal na relasyon na umabot na nang tatlong taon.

“It doesn’t feel like three years. Parang it’s been so fast,” saad ng Kapamilya actor.

Dito na rin nabunyag na live in na silang dalawa.

“We live together, did you know that already? Okay, well, we live together,” sey pa niya.

2016 inamin ng dalawa na sila sa kanilang concert noon.

“And sometimes kasi, araw araw kayo nagkikita, no space, sometimes you get too comfortable, but then there’s days when she’s working, super busy, parang ngayon. And when she gets home, it’s like, we really miss each other still, kahit isang araw lang,” ayon sa poging aktor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?