94

May 21, 2020 @ 15:17
By

Nadala lang siya! Yassi pinagtanggol si Coco

Dinepensa ni Yassi Pressman ang kanyang leading man sa ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na si Coco Martin matapos itong batikusin dahil sa mga naging patama sa gobyerno sa mga nagdaang araw.

Ayon kay Yassi, nadala lang si Coco ng kanyang emosyon dahil sa sobrang pagmamahal nito sa staff ng ABS-CBN.

Matatandaan na sa Facebook Live event na ‘Laban, Kapamilya!’ ay nanggalaiti si Coco sa gobyerno dahil sa pagtigil-operasyon ng ABS-CBN.

“Mga kaibigan po, mga Kapamilya, mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan… Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sa kanya ay mabuti po siyang tao,” ayon kay Yassi.

“Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at ‘yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga ‘kapamilya’ niya. Kami po iyon… mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod. Mga pamilya po niya,” aniya pa.

“Katulad po nang pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak…. ganun rin po ang tingin niya sa amin. Sana po maintindihan po ninyo.”

View this post on Instagram

Mga Kaibigan po, mga Kapamilya,mga Kapuso, at mga mahal ko pong mga kababayan… Si Coco Martin po ay ilang taon ko na pong kilala, at sa pagkakakilala ko po sakanya ay mabuti po siyang tao. Pasensya na po kayo, kung sa pagkarinig po ninyo ay nadadala po siya sa kanyang emosyon, at yun po ay dahil mahal na mahal niya po ang mga “kapamilya” niya. Kami po iyon… mga katrabaho, sa harap ng kamera at sa likod.. mga pamilya po niya. Katulad po ng pagtatanggol po ninyo sa mga kaibigan, kapatid, mga magulang, at anak…. ganun rin po ang tingin niya saamin. Sana po maintindihan po ninyo. Salamat Coco, sa lahat ng mabuting nagawa mo para sa aming lahat, at hindi namin makakalimutan ang lahat ng iyon habang buhay ❤️

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman) on

Napabalitang magbabalik na sa taping sina Carlo Dalisay at Allyana ngayong lumuwag na ang quarantine protocol, ngunit bawas umano ang mga tao sa production staff at artista sa pagbabalik ng ‘Ang Probinsyano’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?