26
Nadal vs Djokovic sa Italian Open finals
By

Nadal vs Djokovic sa Italian Open finals

Muling maghaharap ang matinding magkaribal na sina Rafael Nadal at Novak Djokovic sa finals ng Italian Open.

Umahon si Nadal sa tatlong sunod-sunod na pagkabigo sa semis ng mga clay court competition, na kilalang teritoryo ng Espanyol, nang paluhurin si Stefanos Tsitsipas, 6-3, 6-4, para mai-set ang final match-up kay world no. 1 Djokovic.

“The main thing is I am playing better. If I play better, I know I’m going to have chances to be in finals and to win semifinal matches,” sambit ni Nadal.

“If you are not playing well, (beating) the best players of the world is much more difficult… I have margin to keep improving. But I am doing the right steps to be there,” aniya pa.

Ito na ang magiging ika-54th beses na paghaharap ng dalawa. Sa kanilang match-up, lamang sa panalo si Djokovic, 28-25, samantalang tabla naman sila sa 2-2 nang mag-krus ang landas sa Italian Open finals, ngayon ay mapapatid na ang tie sa napipintong duwelo.

“He’s my greatest rival of all time,” giit ni Serbian Djokovic. “Every time we get to play each other it’s a thrill. It’s the ultimate challenge.”

Si Nadal ay kating bumawi kay Djokovic, huling nagharap sa Australian Open kung saan bigo ang ‘King of Clay’ sa straight set. Nahaharap din si Nadal sa kanyang pinakamahabang title drought na hindi pa nananalo ng kampeonato noong Agosto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?