46

By

Nadal nanghalik sa gitna ng laban

Naantig ang lahat sa umano’y sweet gesture na pinakita ni tennis superstar Rafael Nadal matapos nitong aksidenteng tamaan ang ball girl sa mukha sa laban nito sa Australian Open nitong Huwebes (Manila time).

Sa kanyang Round 2 match kontra Argentine Federico Delbonis, natamaan ni World No. 1 Nadal ang ball girl na agad naman niyang pinuntahan at hinalikan sa pisngi.

“For her, it was not a good moment. I was so scared for her, the ball was quick and straight on her,” paliwanag ni Nadal matapos ang laban.

“She’s a super brave girl. It has been one of the more scary moments of my career. I’m very happy [that] she is good. She is brave. Well done.”

Panalo si Nadal 6-3, 7-6 (7/4), 6-1 para makaabante sa Round 3 ng Grand Slam tournament.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?